Pangulong Duterte, bukas na sa mungkahing face-to-face classes sa low risk areas

Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte sa mungkahing payagan ang pilot ng face-to-face classes sa mga low risk areas ng COVID-19.

Pero paglilinaw ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, papayagan lamang ito ng Pangulo kung masisiguro na ang mga lugar ay talagang nasa low risk at walang gaanong kaso ng COVID-19.

Nakatakdang makipagpulong ang Pangulo sa ilang kinatawan ng Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH) upang pag-usapan ang bagay na ito.


Bagama’t wala pang tiyak na araw, tiniyak ni Roque na mangyayari ito sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments