Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa pagka-bise presidente sa 2022 elections kung hindi mahigpit ang labanan o karera.
Sa kanyang Talk to the Nation Address, aminado si Pangulong Duterte na ang pagtakbo sa pagka-bise ay “hindi masamang ideya”.
Pero nakadepende aniya ito sa magiging “espasyo” para sa kanya sa halalan.
“If there is a space for me, then siguro. Pero kung wala akong space, everybody is crowding up, wanting to be one, vice president, sila na lang muna kasi tapos na ako,” ani Pangulong Duterte.
Dagdag pa ng pangulo, nakadepende rin ang kanyang pagtakbo sa kanyang magiging runninmate o ang tatakbo sa pagkapangulo.
“There are things I would like to continue and that would be dependent on the President that I would support. Kasi kung mag-vice president ako, kalaban ko kontra partido gaya ni Pacquiao salita-salita na three times tayo mas corrupt,” sabi ni Pangulong Duterte.
Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na hindi niya tatakbo sa pagka-pangalawang pangulo kung tatanggapin ni House Majority Leader Martin Romualdez ang pwesto.