Pangulong Duterte, bukas sa pakikipag-usap sa North Korea

Manila, Philippines – Sa kabila ng paglalabas ng Foreign Ministers na miyembro ng Association of Southeast Asian Nation o ASEAN ng statement kaugnay sa sitwasyon sa Korean Peninsula ay nagpahayag naman si Pangulong Rodrigo Duterte ng pagiging bukas sa pakikipag-usap sa North Korea.

Matatandaan na sinabi ng ASEAN Foreign Ministers na nakababahala ang ginagawang testing ng Intercontinental Ballistic Missiles nitong mga nakaraang buwan at ang dalawang nuclear testing noong nakaraangtaon.

Sa meet and greet kanina sa pagbubukas ng grand celebration ng 50th anniversary ng ASEAN ay sandaling kinamayan at kinausap ni Pangulong Duterte si Democratic People’s Republic of Korea Foreign Minister Ri Yong-Ho kung saan maririnig na sinabi ng Pangulo na magiging good dialogue partner ang Pilipinas sa North Korea.


Matatandaan na sinabi na rin ng ASEAN Foreign Ministers na dapat sumunod ang North Korea sa mga nakasaad sa United Nations Security Council Resolutions upang mapababa ang umiinit na tension sa Korean Peninsula.

Facebook Comments