Pangulong Duterte, bukas sa suhestyong amyendahan ang Baselines Law

Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte sa panukala ni dating Supreme Court Associate Justice Francis Jardeleza na magkakaroon ng bagong Baselines Law.

Sa panukala ni Jardeleza, nais nitong amyendahan ang Baselines Law o Republic Act no. 9522 upang ma-identify ang mga teritoryo at maritime features na lehitimong sakop ng Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sinabi ng pangulo na kung mayroon nang opisyal na proposal si Jardeleza, agad itong ibigay sa kanyang tanggapan.


Aniya, ang legal team ng Malacañang ang mag-aaral sa mungkahi ni Jardeleza bago isumite sa Office of the Executive Secretary para sa rekomendasyon at desisyon ng pangulo.

Iminungkahi naman ni Roque na dapat isama sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte ang mungkahing amiyenda sa Baseline Law para maisama sa priority bills ng Kongreso.

Facebook Comments