Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ibat-ibang tanggapan ng Pamahalaan na magtulungan para sa partisipasyon ng bansa para sa Expo 2020 Dubai.
Batay sa Administrative Order Number 17 ay binubuo ni Pangulong Duterte ang Philippine Organizing Committee na pamumunuan ng kalihim ng Department of Trade and Industry at makakasama nito sa komite ang mga kalihim ng Department of Tourism, Department of Foreign Affairs, Department fo Budget and Management, Department of Labor and Employment, Department of Science and Technology pati na ang Department of Information and Communications Technology.
Layon ng naturang komite na bumuo ng plano o mga konsepto na maghahayag ng mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagiimbita sa mga dadalo sa 2020 Dubai Expo na palakasin ang trade, tourism at investment sa bansa.
Huhugot naman ang POC ng pondo mula sa contingent funt ng 2019 national Budget.