Nakaalis na ng bansa si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kaniyang five day working visit sa Russia.
Sa kaniyang departure speech sa Ninoy Aquino International Airport – sinabi ng pangulo na makakaharap niya sa isang bilateral meeting si Russian President Vladimir Putin.
Aniya, ilan sa kanilang pag-uusapan ang security, defense, terrorism, at transnational crimes.
Dadalo rin si Pangulong Duterte sa isang business forum sa Moscow para itaguyod ang kalakalan at oportunidad pang negosyo.
Sasaksihan rin ng pangulo ang paglagda ng ilang kasunduan gaya sa pangkalusugan, science and technology at iba pa.
Maliban sa Moscow ay bibisita rin si Pangulong Duterte sa siyudad ng valdai at haharapin ang Filipino community sa Russia.
Nabatid na ito na ang ikalawang beses na pagbisita sa Russia ng Pangulo, una rito ay noong Mayo ng 2017 pero napaaga ang pagbalik nito sa bansa dahil sa nangyaring pagkubkob ng Maute-ISIS terror group sa Marawi City.