Biyaheng Russia si Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na buwan.
Ito ang kinumpirma ni Chief Legal Counsel at Presidential Spokesman Salvador Panelo kung saan ay inaasahang makakaharap ni Pangulong Duterte ang itinuturing nyang ‘idolo’ na si Russian President Vladimir Putin.
Ang nakatakdang pagtungo ng Chief Executive sa Russia ay bunsod na rin ng imbitasyon ni Putin sa kanya sa ikalawang pagkakataon.
Ayon kay Sec. Panelo, layunin nitong palakasin ang bilateral relations ng Pilipinas at Russia.
Posible ring mapag-uusapan ng dalawang lider ang pagpapalakas at pagpapalawak ng defense cooperation ng Pilipinas at Russia.
Unang nag-imbita ang Russian leader sa Pangulo nuong 2016 at ng kasunod na taon ay nagtungo naman ang Pangulo partikular nuong Mayo 2017 pero napauwi agad si Pangulong Duterte dahil sa nangyaring pag-atake ng ISIS-Maute terror group sa Marawi City.