Pangulong Duterte, byaheng South Korea; Apat na kasunduan, lalagdaan

Manila, Philippines – Byaheng South Korea mula June 3 hanggang June 5 si Pangulong Rodrigo Duterte.

Layon ng official visit na pagtibayin pa ang ugnayan ng Pilipinas sa South Korea.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella, inaasahang lalagdaan ng dalawang bansa ang apat na kasunduan kaugnay sa agrikultura, trade, science and technology at pagprotekta sa kalikasan.


Samantala, hindi anya kasama sa official agenda ng Pangulo ang issue sa North Korea.

Samantala kakamustahin din ng Pangulong Duterte ang Filipino community roon.

Habang nasa South Korea, itinalaga naman ng Pangulo si Executive Secretary Salvador Medialdea bilang OIC ng pamahalaan.

Facebook Comments