Dadalo ngayong araw si Pangulong Rodrigo Duterte sa Nikkei Future of Asia Conference, isang Tokyo-based na pagpupulong para ibahagi ang mga pananaw ng gobyerno upang masugpo ang COVID-19 pandemic.
Sa inilabas na pahayag ng Malakanyang, magaganap ang pagpupulong sa pamamagitan ng video conferencing kung saan isa rin sa ibabahagi ng Pangulo ang mga naturang programa ng bansa.
Ang pagpupulong ay may temang ‘Shaping the Post-COVID Era: Asia’s Role in the Global Recovery’ na huling ginanap noong 2019 kung saan personal na nagtungo si Pangulong Duterte sa Japan para dumalo.
Present sa event ang mga lider mula sa Asia Pacific at iba pang international institutions.
Ang pinakamalaking economic newspaper ng Japan na Nikkei Inc. ang nag-organisa ng event na ginaganap taon-taon simula 1995.