Pangulong Duterte, dadalo sa COVID-19 virtual conference ni Jordan King Abdullah II

Kinumpirma ng Malacañang na dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte ng COVID-19 virtual conference na pangungunahan ni Jordan Monarch King Abdullah II.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, gaganapin ang virtual meeting sa Miyerkules, September 2.

Hindi pa malinaw kung ano ang mga tatalakayin ng Pangulo sa event.


Nabatid na personal na nagkita sina Pangulong Duterte at King Abdullah II sa kanilang bilateral meeting sa Amman, Jordan noong September 2018.

Pinasalamatan ng Pangulo ang Jordanian Monach sa pagtanggap ng mga Overseas Filipino Worker (OFW).

Sa tatlong araw na pagbisita ng Pangulo sa Jordan, nalagdaan ang Cooperation Framework for Employment of Domestic Workers at Memorandum of Understanding on Labor Cooperation.

Plano rin ni King Abdullah II na bumisita sa Pilipinas kasama ang kaniyang business delegation para alamin ang mga maaaring oportunidad sa bansa.

Facebook Comments