Pangulong Duterte, dadalo sa Independence Day commemoration

Personal na dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang commemoration activities para sa ika-123 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ngayong araw.

Ang tema ngayong taon ay Kalayaan 2021: Diwa ng Pagkakaisa at Paghilom ng Bayan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, gaganapin aniya ang aktibidad sa labas ng Metro Manila.


Mahalaga aniyang sariwain ang Pilipinong nagbuwis at isinakripisyo ang kanilang buhay para sa ating kasarinlan.

Ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ay magsasagawa ng flag-raising at wreath-laying ceremonies sa mga Rizal Park sa Maynila, Bonifacio Monument sa Caloocan, Barasoain Chuch sa Malolos, Bulacan, Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite, Pinaglaban Memorial Shrine sa San Juan City, at ibang pang lugar sa Angeles City, Davao City at Cebu City.

Bukod dito, maglulunsad naman ang mga taga-suporta ni Vice President Leni Robredo ng pagkikilos na layong kumbinsihin siyang tumakbo sa pagkapangulo sa susunod na halalan.

Magtatanghal sa nasabing online launch ang ilang singers na sina Bituin Escalante, Juris, Louie Ocampo, at mga bandang Moonstar88 at 6CycleMind.

Magbibigay rin ng mensahe ang ilang artista para ipinawagan ang pagtakbo ni Robredo sa susunod na taon na kinabibilangan nina Enchong Dee, Lauren Young, Saab Magalona, at Rica Peralejo.

Sa ngayon, wala pang desisyon si Robredo sa kung ano ang plano niya sa pulitika sa susunod na taon, pero isa siya sa pinagpipilian ng opposition coalition na 1Sambayan bilang posibleng standard bearer.

Facebook Comments