Pangulong Duterte, dadalo sa unveiling ng bagong MRT-7 train sets

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasapubliko ng mga bagong train sets ng Metro Rail Transit Line-7 (MRT-7) project.

Nabatid na dumating ang mga bagong tren nito lamang Setyembre mula South Korea.

Sa kasalukuyan ay mayroong six train sets o 18 rail cars mula sa 108 rail cars ang dumating na sa bansa kung saan aabot sa 36 train sets o 108 rail cars ang bubuo sa MRT-7.


Makaraang mabinbin ng halos 2 dekada, ipinagpatuloy ang konstruksyon sa MRT-7 nitong Agosto, 2016 at kasalukuyang nasa 62.10% na ang progress rate.

Inaasahan namang sa April, 2022 ang partial operations nito pero sa December, 2022 ang passenger operations.

Kapag natapos na ang 22-kilometer railway ito ay mag-uugnay sa North Avenue, Quezon City at San Jose del Monte, Bulacan.

Mababawasan nito ang travel time mula Quezon City at Bulacan and vice versa nang dati’y 2-3 hours ay magiging 35 minuto na lamang.

Kaya rin nitong makapagsakay ng hanggang 38,000 mga pasahero.

Facebook Comments