Inaasahang dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang iba pang lider sa Asia Pacific para sa isang virtual summit ngayong araw.
Ito ay para talakayin ang pandemic response at iba pang hakbang para sa muling pagbangon ng ekonomiya.
Sa statement ng Malacañang, si Pangulong Duterte ay lalahok sa 2021 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Informal Leaders’ Retreat, mula mamayang gabi hanggang alas-7:00 ng gabi (oras sa Pilipinas) sa pamamagitan ng video conference.
Ang APEC Leaders’ retreat ay pangungunahan ni New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern.
Kabilang sa mga dadalo sa online meeting ay si US President Joe Biden, Chinese President Xi Jinping, Russian President Vladimir Putin, at Japanese Prime Minister Yoshihide Suga.
Inaasahan din ang pagdalo ni International Monetary Fund (IMF) Managing Director Kristalina Georgieva at World Health Organization (WHO) Executive Director Michael Ryan.
Ang APEC ay binubuo ng 21 bansa, kabilang ang Pilipinas.