Manila, Philippines – Para kina Senators Panfilo Ping Lacson at Kiko Pangilinan, dapat lang bigyan ng pagkakataon si Pangulong Rodrigo Duterte na makapahinga.
Giit ni Senator Lacson, hindi isyu kung ilang araw ng nagpapahinga si Pangulong Duterte dahil hindi naman exempted ang katawan nito para hindi makaramdam ng pagod.
Paliwanag ni Lacson, asahang hindi naman laging okay ang kalusugan ng 72-anyos na Pangulo lalo pa at bilang pinuno ng bansa ay napakaraming problema ang hinanarap nito ngayon.
Ilan lang sa tinukoy ni Lacson ang gulo sa bahagi ng Mindanao, NPA insurgency, illegal drugs, kriminalidad, at korapsyon sa pamahalaan.
“The human body, especially that of a 71-year old who happens to be the President of a country that has to deal with all sorts of problems like the secessionist movement in the south, NPA insurgency, illegal drugs and crimes, with corruption in government to boot is not expected to always stay in shape. President Duterte is no exception,” ayon kay Lacson
Binanggit pa ni Lacson na maging ang mga naging dating Presidente ng bansa ay nakaranas din ng mga health issues noon.
“Those who came before him likewise took some days off occasionally because of health issues. For me, it’s no big deal,” dagdag pa ni Lacson.
Binigyang diin naman ni Senator Pangilinan na karapatan ni Pangulong Duterte ang magpahinga.
Punto ni Pangilinan, 72-anyos na ang Pangulo at ang lakas ng katawan nito ay hindi na katulad ng dati.
“Let’s give the President some leeway. He is after all 72 years old and as he himself has said is not as strong as he used to be. I wouldn’t immediately be concerned that he has been resting for a few days. Even Presidents deserve to take a break,” pahayag ni Liberal Party President Kiko Pangilinan.