Pangulong Duterte, dapat hikayatin ang publiko na magpabakuna laban sa COVID-19 – Robredo

75

Maaaring tumulong si Pangulong Rodrigo Duterte na mapawi ang pangamba ng publiko sa coronavirus vaccines.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na maaaring itaas ni Pangulong Duterte ang tiwala ng publiko sa mga bakuna kapang sinimulan ang vaccination program.


Inihalimbawa ni Robredo ang papabakuna ni Indonesian President Joko Widodo.

Naniniwala si Robredo na ang mga kontrobersiyang bumabalot sa pagpili ng COVID-19 vaccine ay kabiguan ng gobyerno na makipag-usap sa publiko.

Hindi rin naniniwala si Robredo na pinupulitika ang immunization program.

Facebook Comments