Inihayag ni Senator Ping Lacson na dapat gumamit ng kamay na bakal si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapa-imestiga sa mga sangkot sa korapsyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ayon kay Lacson, dapat na palitan na ang mga opisyal na sangkot sa kwestyunableng transaksyon at ipakulong ang mga ito.
Nais din umano niyang malaman kung bakit hindi man lamang nag-utos si Health Secretary Francisco Duque III na imbestigahan ang ahensiya gayong siya ang PhilHealth ex-Officio Chairman at naroon siya nang mangyari ang pagtatalo.
Matatandaang sa isang zoom meeting ay nagkaroon ng sagutan ang ilang opisyal ng PhilHealth kaugnay sa maanumalyang transaksyon at reimbursement sa ilang ospital na naging dahilan upang magbitiw sa pwesto ang tatlo nilang opisyal.