Inaasahan na ianunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte anumang oras ngayong araw ang desisyon hinggil sa community quarantine sa Metro Manila at sa ibang parte sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ayaw nilang pangunahan ang desisyon ng Pangulo lalo’t marami nang pagkakataon na iba ang naging pasya nito mula sa rekomendayson ng Inter-Ageny Task Force (IATF)
Sinabi din ni Roque na pinag-uusapan na din ng IATF ang apela ng mga lokal na pamahalaan kaugnay ng kanilang mga quarantine classifications.
Aniya, hiniling ng Quezon Province, Abra, Apayao, Lanao Del Sur at CARAGA Region na isailalim sila sa General Community Quarantine (GCQ) pagkatapos ng June 15, 2020.
Ang Cebu City naman ay hiniling na ibalik sila sa Modified Enhanced Comunity Quarantine (MECQ) habang ang Dagupan City, Batanes, Davao De Oro, Davao Del Norte, Davao Oriental, Davao Occidental at Davao Del Sur ay pinaluluwagan ang kanilang quarantine status.
Nakiusap din ang Pangasinan, Angeles City, Nueva Ecija, Zambales, Pampanga, Cavite at probinsya ng Cebu na i-downgrade sila sa Modified GCQ.