Hindi nababahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibleng human rights cases at pag-iimbestiga ng International Criminal Court (ICC) laban sa kaniya oras na bumaba na siya sa puwesto.
Ayon kay Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, walang hurisdiksyon sa bansa ang ICC para imbestigahan ang umano’y mga pagpatay sa ilalim ng war on drugs ng administrasyon.
Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte na tatakbo siya sa pagka-bise presidente para magkaroon ng immunity mula sa criminal charges.
Pero noong Sabado, inanunsyo ng pangulo na magreretiro na siya sa pulitika.
Facebook Comments