Manila, Philippines – Hindi pinatulan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hamon ni Senador Antonio Trillanes IV na pumirma siya ng waiver para ilantad ang nilalaman ng kanyang mga bank accounts.
Sa kaniyang pagdalaw sa burol ng dalawang nasawing sundalo sa Libingan ng mga Bayani, iginiit ng pangulo, walang silbi ang mga waiver ni Trillanes dahil may mga co-signer ito na mga Chinese sa kanyang mga bank account.
Bagaman lumagda na si Trillanes ng waiver, sinabi ng pangulo na hindi naman isisiwalat ng mga bangko ang mga pangalan ng mga co-depositor nito na pawang mga Chinese.
Dagdag pa ng pangulo, bumubuo na sila ng kaso laban sa Senador dahil sa mga tagong yaman nito.
Facebook Comments