Duda si Pangulong Rodrigo Duterte na magpapasa ang kongreso ng batas na layong ipagbawal ang political dynasties sa bansa.
Sa kaniyang talumpati kahapon, sinabi ng Pangulo na naniniwala siyang walang lulusot na batas sa kongreso para sa pagbuo ng enabling law laban sa political dynasties.
Sa ilalim ng kasalukuyang konstitusyon, mayroong nakapaloob na anti-dynasty provision pero hindi ito naipapatupad dahil sa kawalan ng enabling law.
Sa ngayon, tanging sa Sangguniang Kabataan pa lamang ipinagbabawal ang political dynasty batay sa SK Reform Law.
Facebook Comments