Pangulong Duterte, dumalaw sa burol ni Cardinal Vidal

Manila, Philippines – Binisita kaninang madaling araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang burol ni Cardinal Vidal sa Cebu Metropolitan Cathedral.
Hindi pa naman naglalabas ang Malacanang ng buong detalye sa pagbisita ng Pangulo sa nasabing burol at hindi parin naman inilalabas ng Palasyo kung ano ang sinabi ng Pangulo.
Sa mga larawang inilabas ng Malacanang Photo Bureau ay makikita na hinalikan pa ni Pangulong Duterte ang kabaong ni Cardinal Vidal.
Kasama ni Pangulong Duterte sa pagbisita ay si Special Assistant to the President Secretary Bong Go at Presidential Assistant for Visayas Michael Dino.
Matatandaan na lumabas sa balita na hiniling ni Dino kay Pangulong Duterte na ideklarang holiday ang araw ng libing ni Cardilan Vidal para mabigyan ng pagkakataon ang publiko na makiisa sa pakikidalamhati.
Wala pa namang sagot ang palasyo sa hiling na ito ni Dino.

Facebook Comments