Pangulong Duterte, dumalo sa Final Inspection ng NLEX Harbor Link ng DOTr

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Final Inspection ng Department of Transportation (DOTr) sa North Luzon Expressway (NLEX) Harbor Link Circumferential Road kahapon.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte, muli naman niyang ibinida ang kanyang Build, Build, Build Program na isa aniyang patunay na seryoso ang kanyang administrasyon sa road infrastructure development sa bansa.

Umaasa naman si Pangulong Duterte na sa pagdating nga ng Desyembre ngayong taon ay luluwag na ang mga pangunahing kalsa sa Metro Manila, dahil aabot anya sa 30,000 na mga trak at sasakayan ang mada-divert ang ruta pag tuluyan ng macompleto ang konstruksyon ng mga giinagawang infrastructure projects.
Sa ngayon anya ay nasa 90% na ang natatapos na konstruksyon sa NLEX Harbor Link Road, pag matapos na anya ang natirirang 10%, makakatulong anya ito na mabigyan ng sulosyon ang mga choke point sa ilang lungsod ng Metro Manila partikular sa Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela.
Ang NLEX harbor link road ay may habang 2.6 kilometers elevated expressway, na kung dati ang biyahe mula Caloocan Interchange, C3 Road hanggang sa Radial Road 10 ng Navotas City ay umaabot ng isang oras, pagmatapos ang NLEX aabot nalang ito ng 10 minuto.


Facebook Comments