Pangulong Duterte, dumalo sa inauguration ng SLEX elevated extension project sa Alabang

Photo Courtesy: PTV

Dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasinaya ng South Luzon Expressway elevated extension project sa Alabang, Muntinlupa City.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng pangulo na excited na siyang makita ang proyekto.

Sinabi rin ng punong ehekutibo, na welcome sa pamahalaan ang proyektong ito sa panahong nagsisimula na ang pagbubukas ng ekonomiya ng bansa sa gitna ng patuloy na COVID-19 pandemic.


Ayon pa sa pangulo, ang proyektong ito ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng ka-partner nitong pribadong kompanya ay isang matibay na testamento ng commitment ng administrasyon sa pagpapatayo ng mga makabuluhang mga imprastraktura sa kabila ng mga kasalukuyang hamon dala ng pandemya.

Ang proyektong ito ay four-lane toll expressway na aabot sa dulo ng NLEX Segment 10 sa C3 Road sa lunsod ng Caloocan, at kokonekta rin sa dalawang interchanges na nasa C3 Road/5th Avenue, Caloocan at España, Manila ay inaasahang magdudulot ng pagluwag ng daloy ng trapiko sa Southern Metro Manila at kalapit na lalawigan.

Facebook Comments