Pangulong Duterte, dumating na sa thailand mahigit 20 Filipino companies sa Myanmar, hinarap ni P-Duterte

Manila, Philippines – Nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kinatawan na may mahigit 20 Filipino companies na may investment sa Myanmar.
 
Ayon kay Trade and Industry Sec. Ramon Lopez, hindi tulad ng ibang bansa kung saan ang Pilipinas ang humihingi ng investment  sa Myanmar, ang Pilipinas ang nag-i-invest.
 
 
Bukod aniya sa mga kompanya sa larangan ng utilities, telecommunications at pagkain isa rin sa mga planong i-export ng Pilipinas sa Myanmar ang high breed rice seeds.
 
 
Kaugnay nito, nakipag-pulong din si Pangulong Duterte kay Myanmar President Htin Kyaw,  ang unang sibilyang pangulo ng Myanmar sa loob ng limang dekada.
 
Nakipagkita rin ang pangulo kay state councilor at nobel peace prize winner Aung San Suu Kyi  kung saan nagbigay si Duterte ng 300,000 US dollar bilang donasyon sa humanitarian efforts ng Rakhine state.
 
Bukod rito, tinalakay rin nila ni Aung San Suu Kyi ang regional cooperation.
 
Nakipagpulong din si Pangulong Duterte kay Myanmar Commander in Chief Senior General Min Aung Hlaing para pag-usapan naman ang pagpapalalim ng bilateral defense cooperation ng Pilipinas at Myanmar.
 


Facebook Comments