MANILA – Nagpaliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging usapan nila ni Indonesian President Joko Widodo kaugnay sa umanoy pagbibigay ng “go-signal” sa pagbitay sa pinay death convict na si Mary Jane Veloso.Sa kanyang speech sa Villamor Airbase, iginiit ng pangulo na sinabi lamang niya kay widodo na kanyang igagalang ang anumang hatol ng kanilang korte.Sinisi naman ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay ang media sa umanoy maling report hinggil sa kaso ng pinay death convict.Matatandaan, lumabas ang report sa “Jakarta Post” na sinabi umano ni Widodo na pinayagan na ni Pangulong Duterte ang pagbitay kay Veloso.Ayon kay Yasay, posibleng mali ang translation ng media sa pahayag ni Widodo sa wikang bahasa.Unang itinanggi ni Yasay na napag-usapan ng dalawang lider ang kaso ni Veloso… pero, kumambyo ito at inaming natalakay sa pulong ang kaso ng pinay death convict.
Pangulong Duterte, Dumepensa Sa Umanoy Pagbibigay Ng “Go-Signal” Sa Pagbitay Sa Pinay Death Convict Na Si Mary Jane Velo
Facebook Comments