Manila, Philippines – Dinepensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdedeklara niya ng holiday sa Ilocos Norte para sa ika-100 taong kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos bukas.
Inamin ng Pangulo na kinausap siya ng pamilya Marcos at kanilang hiniling na gawing holiday sa kanilang lalawigan ang kaarawan ng dating Pangulo.
Dagdag pa ng Pangulo, pagbibigyan niya rin ang mga taga-Pampanga kapag humirit silang gawing pista-opisyal sa lalawigan ang kaarawan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Gagawing pribado ng pamilya Marcos ang paggunita sa kaarawan ng dating Pangulo na gaganapin sa Libingan ng mga Bayani bukas.
Sasabayan naman ito ng mga kilos protesta ng ilang mga grupong anti-Marcos.
Facebook Comments