Pangulong Duterte, dumistansya sa isyung kinakaharap ng Chinese businessman Huang Rulun

138

Manila, Philippines – Dumistansya si Pangulong Rodrigo Duterte sa isyung kinakaharap ng Chinese businessman Huang Rulun.

Si Huang ay nagbigay ng 1.4 billion pesos para sa pagpapatayo ng dalawang drug rehabilitation facility sa bansa.

Ayon kay Pangulong Duterte – ayaw niyang magbigay ng komento sa ginagawang imbestigasyon ng China ukol sa umano’y katiwalian ni Huang.


Dinepensahan naman Chinese ambassador Zhao Jianhua ang kanilang kababayang negosyante.

Sa kabila nito, tuloy ang operasyon ng mega drug rehab center sa Nueva Ecija na pinondohan ng Chinese businessman.

Facebook Comments