Pangulong Duterte, echapwera na sa unang batch ng mga mababakunahan

Magpapatupad ng pag-amyenda ang immunization cluster ng pamahalaan para sa prioritization list sa vaccination program.

Ito ay makaraang hindi irekomenda ng mga health experts na maiturok ang Sinovac sa mga health care workers at senior citizens.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, dahil dito ay maaaring hindi na maisali sa unang mababakunahan si Pangulong Rodrigo Duterte dahil siya ay isang senior citizen.


Maliban dito, may nauna na aniyang sinabi ang Pangulo na mas gusto niyang iturok sa kanya ang Sinopharm vaccine.

Wala pang aplikasyon para Emergency Use Authorization (EUA) ang Sinopharm bagama’t mayroon nang inisyung special “compassionate” license for the use ang Food and Drug Administration (FDA) para sa 10,000 doses nito na nakalaan para sa mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG).

Facebook Comments