Pangulong Duterte, Galit Pa Rin Sa Nangyaring Pagsabog Sa Davao City

7

DAVAO CITY – Galit na galit pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa nangyaring pagsabog sa Davao City.Sinabi ni PNP Chief Ronald dela Rosa, na inabot ng hanggang madaling araw ang pagpupulong nila ng pangulo.Kinumpirma naman ni dela Rosa, na isang improvised explosive device o IED ang sumabog sa Roxas night market.Dagdag pa ng opisyal, dalawang lalaki at dalawang babae ang kanilang persons of interest.Sa inisyal na imbestigasyon, isa sa mga lalaking suspek umano ang nag-iwan ng bomba kung saan nagawa pa nitong magpamasahe pero hindi na nito tinapos at umalis na sa lugar.Una nang inako ng Abu Sayyaf ang pagpapasabog sa Davao City kung saan labing apat ang namatay at mahigit sa animnapu ang sugatan.

Facebook Comments