Nakabinbin pa rin ang panukalang extension ng Visiting Forces Agreement.
Sa kanyang public address, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang magkaroon ng dayalogo sa US officials para talakayin ito.
Binanggit din ng pangulo ang nagpapatuloy na imbestigasyon ng pamahalaan ukol sa nangyari sa 2021 Panatag standoff.
Partikular na iniimbestigahan ay ang papel ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario sa nangyaring standoff.
Kapag may nakita siyang iregularidad, nagbata si Pangulong Duterte na kakasuhan si Del Rosario.
Matatandaang isinisisi ni Pangulong Duterte kay Del Rosario kung bakit nawala sa Pilipinas ang Panatag Shoal.
Kinunwestyon ni Pangulong Duterte ang pag-atras ng mga barko ng Pilipinas sa lugar sa ilalim ng US-brokered deal habang nanatili lamang ang mga Chinese vessels sa lugar.