Manila, Philippines – Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakahanda na ang kanyang last will and testament na dapat sundin sa oras na siya ay pumanaw.
Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa kanyang pangunguna sa panunumpa ng mga bagong talagang opisyal ng Pamahalaan ay sinabi nito na gusto niya na i-cremate siya at gawin ito sa loob ng 24 na oras matapos siyang pumanaw.
Ayaw din ng Pangulo na magkaroon ng necrological services para sa kanya at magiging pribado lang ang kanyang libing kung saan pamilya at malalapit lamang na kaibigan ang dadalo.
Sa kanyang talumpati ay hinikayat din ni Pangulong Duterte ang mga bagong opisyal ng pamahalaan na mamuhay ng simple at tiyakin na magiging malinis ang pamahalaan.
DZXL558
Facebook Comments