Pangulong Duterte, handang buksan ang ‘border’ ng bansa para mapalakas ang ekonomiya at kalakalan

Handa si Pangulong Duterte na buksan ang ‘borders’ ng bansa para mapalakas ang ekonomiya lalo na ang coal trading.

Sa kanyang talumpati sa Jolo Sulu, sinabi ng Pangulo na maaaring tumulong ang mga sundalo na matiyak ang maayos na pagpasok ng coal at iba pang produkto.

Naniniwala ang Pangulo na patuloy pa ring mapapakinabangan ang coal sa susunod na 30 taon sa kabila ng pag-usbong ng renewable energy tulad ng solar energy.


Nais din ni Pangulong Duterte na palakasin ang kalakalan para tulungan ang kabuhayan ng Muslim Community.

Paglilinaw naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang tinutukoy ni Pangulong Duterte ay ang economic integration na ipinapatupad ng mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Facebook Comments