Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na humarap sa Kongreso at talakayin ang mga panukalang layong sawatahin ang korapsyon at mapadali ang government processes.
Sa kaniyang public address, nakiusap si Pangulong Duterte sa mga mambabatas na suportahan ang pagpasa ng mga panukalang batas na layong resolbahin ang red tape at korapsyon sa burukrasya.
“I want Congress to know that I’m ready to appear there in Congress and discuss with them, but they should allow me to talk first then discuss how we can cut corruption, simplify the ease of doing business. I have some recommendation, almost radical,” ani Pangulong Duterte.
Dagdag pa ng Pangulo, maaaring magpanukala ang Kongreso ng isang batas na layong atasan ang mga government agencies na iproseso ang mga applications at requests sa loob lamang ng tatlong araw hanggang isang linggo.
Naniniwala ang Pangulo na kayang tapusin ng mga ahensya ang trabahong ito sa maikling panahon.
“Ang sabi ko sa Congress limitahan natin. Three days, three days, three days, that’s — that’s enough. I’m sure… Otherwise, you guys are not doing your work. I mean three days if you really put your heart into it and work hard, you can finish the job. Let’s say even one week,” sabi ng Pangulo.
Nagbabala rin ang Pangulo sa mga ahensyang mabagal na nagpoproseso ng mga transaksyon at hindi siya magdadalawang isip na pahiyain ang mga opisinang hindi nilakad ang mga applications sa loob ng dalawang taon.
“I will name you in public and put you to shame that I am suspecting that you are waiting for some remuneration that is not due you and you are not doing anything. Naghihintay ka lang ng pera,” sabi ng Pangulo.
Hinimok din ni Pangulong Duterte ang publiko na isumbong ang anumang red tape at korapsyon sa kaniang opisina at handa niyang ipatawag ang mga idinadawit na public official para sila ay makapagpaliwanag.
“You better come up with an explanation that is really good to hear because kung mawalaan ako ng pasensya, bastusin talaga kita,” sabi ni Pangulong Duterte.
Walang problema rin kay Pangulong Duterte na pagbuo ng Kongreso ng oversight committees sa government projects.
Aminado ang Pangulo na ang pagharap niya sa Kongreso ay hindi pangkaraniwan sa bansa lalo na at ginagawa lamang ito sa mga parliamentary countries kung saan isinasalang sa Question Hour ang isang Prime Minister.