Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na humiram ng pera at magbenta ng government properties para sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19.
Ayon sa Pangulo, nais niyang itaas ang pondo para makabili ng 110 milyong bakuna para sa lahat ng Pilipino.
Binanggit din ni Pangulong Duterte na nasa final stages na ang clinical trials ng COVID-19 vaccine sa Russia, China at Estados Unidos.
Nabatid na sinimulan ng Pilipinas na makipagtulungan sa ilang foreign institutions para sa research at development ng COVID-19 vaccine.
Kabilang sa mga partner ng pamahalaan ay ang Biotech, Adimmune Corporation, Academia Sinica, Chinese Academy of Science – Guangzhou Institute of Biomedicine and Health, at SinoPharma–Wuhan Institute of Biological Products and Beijing Institute.