Pangulong Duterte, handang ibigay ang kanyang COVID-19 vaccination slot

Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na ibigay ang kanyang slot sa COVID-19 vaccination program sa sinumang may tiyansang mabuhay pa.

Ito ang pahayag ni Pangulong Duterte sa harap ng nagpapatuloy na immunization sa medical frontliners, senior citizens, at persons with comorbidities laban sa COVID-19.

Sa kanyang Talk to the People Address, sinabi ni Pangulong Duterte na handa niyang i-waive ang kanyang slot.


Katwiran ng Pangulo, ang kanyang edad ay hindi kwalipikado sa priority list.

Mas makabubuti na ibigay ang kanyang COVID-19 vaccine shot sa mas nangangailangan.

Pero batay sa prioritization ng vaccination program ng pamahalaan, si Pangulong Duterte na nasa edad 76 ay pasok sa pangalawang priority group pagkatapos ng healthcare workers.

Magugunitang hinihintay ni Pangulong Duterte ang bakunang gawa ng Chinese pharmaceutical firm na Sinopharm.

Facebook Comments