Pangulong Duterte, handang ikampanya ang mga pambato ng PDP-Laban sa 2022 elections

Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na ikampanya ang mga pambato ng Partido Demokratikong Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na tatakbo sa 2022 elections.

Sa kanyang talumpati sa National Assembly ng PDP-Laban, sinabi ni Pangulong Duterte na handa siyang umikot sa bawat siyudad at lalawigan para suportahan ang mga pambato ng administrasyon.

Biro pa ng Pangulo, magdadala siya ng maraming pera sa kampanya.


Iginiit din niya na nananatiling matatag ang partido sa kabila ng sigalot sa ilang mga miyembro.

Mas lumakas pa aniya ang PDP-Laban nang siya ang nanalo bilang pangulo noong 2016 at may kakayahan na itong makipagkompitensya sa ibang political parties.

Gayumpaman, apela ng pangulo sa mga opisyal ng ruling party at sa mga miyembro na manatiling nakatuon sa misyong i-angat ang buhay ng mga Pilipino lalo na sa mga hamong hatid ng pandemya.

Paalala rin ni Pangulong Duterte sa kanyang mga kapartido na huwag sila mabulag mula sa kanilang mga sariling ambisyon at isulong ang kanilang personal na interes.

Facebook Comments