Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagamit sa militar ng Estados Unidos ang mga pasilidad ng Pilipinas oras na umabot sa Asya ang tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, tiniyak ng pangulo na handa ang Pilipinas na mag-bukas sa kaalyadong bansa.
Aniya, nagkausap sila ng pangulo at inaprubahan nito ang pagkakaroon ng US military base sa Clark, Pampanga at sa Subic, Zambales sakaling magkaroon ng emergency situation.
Sa ilalim ng Mutual Defense Treaty, nagkasunod ang Pilipinas at Amerika na magtutulungan at dedepensahan ang isa’t isa mula sa mga pag-atake o panggugulo.
Facebook Comments