Pangulong Duterte handang ipatupad ang batas laban sa kanyang spiritual adviser na si Pastor Quiboloy

Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na ipatutupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas.

Tugon ito ni acting Presidential Spokesperson at CabSec. Karlo Alexi Nograles, hinggil sa kinakaharap na kaso ng spiritual adviser ng pangulo na si Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay Nograles, bilang isang abogado, dating prosecutor at chief executive ng bansa, batid ng pangulo ang mga dapat nitong gawin.


Nitong isang lingo ay inianunsyo ng US prosecutors na nahaharap si Quiboloy sa kasong sex trafficking dahil sa pakikipagtalik umano nito sa mga batang babae na kasapi ng kaniyang religious group.

Nagpasabi na rin ang Federal Bureau of Investigation (FBI) na sasamsamin ang mga ari-arian ni Quiboloy sa Estados Unidos dahil sa umano’y pagiging ill-gotten nito.

Facebook Comments