Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na isugal ang kaniyang buhay nang magboluntaryo siyang magpapaturok ng COVID-19 vaccine.
Ito ay kasunod ng alok ng Russia na suplayan ang Pilipinas ng kanilang dinevelop na bakuna.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, gagawin ng Pangulo na isugal ang kaniyang buhay kung kinakailangan para tiyaking ligtas at mabisa ito para sa lahat ng Pilipino.
Kinausap din ng Pangulo ang kaniyang gabinete kung maaari din niyang masubukan ang mga bakunang dinevelop ng China, Estados Unidos at United Kingdom sakaling naturukan na siya ng Russian vaccine.
Ang sagot sa kaniya ni Health Secretary Francisco Duque III ay hindi ito maaari.
Pagtitiyak ng Palasyo na ang Russian vaccine ay dadaan sa approval process ng Food and Drug Administration (FDA).