Pangulong Duterte, handang magbigay ng bahay sa mga susukong NPA

Manila, Philippines – Bibigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng bahay ang mga miyembro ng New People’s Army na ibababa ang kanilang armas at susuko sa gobyerno.
Ayon kay Pangulong Duterte, isasama niya ang mga susukong NPA sa mga mabebenepisyuhan ng housing project ng gobyerno.
Ang dapat lang aniyang gawin ng mga ito ay isuko ang kanilang armas at bumaba na ng bundok at ihinto na ang pakikipaglaban sa pamahalaan.
Ibinida ng Pangulo na mayroon siyang 1 libong units para sa housing project bukod pa sa 1 libong units na proyekto ng kayang anak na si Davao City Mayor Sarah Duterte.
Matatandaan na una naring sinabi ni Pangulong Duterte na handa niyang tanggapin para maging sundalo ang mga susukong miyembro ng NPA.
Ito naman ang sinabi n Pangulo sa harap narin ng kanyang atas sa militar na tutukan ang paglaban sa mga rebelde pagkatapos ang bakbakan sa Marawi City.

Facebook Comments