Pangulong Duterte, handang magbitiw kapag napatunayang sangkot sa katiwalian ang kanyang mga anak

Manila, Philippines – Sinagot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakadawit ng kanyang anak na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa umano’y suhulan sa Bureau of Customs (BOC).

Sa kanyang pagdalo sa Sulong Pilipinas 2017 Forum, sinabi ni Pangulong Duterte, matanda na siya at hindi kakapit sa kapangyarihan kung kamag-anak nito ang masangkot sa katiwalian.

Dagdag pa ng pangulo, kung mayroon mang makapagpatunay sa pangingialam ng isa man sa kanyang anak o sa pamilya sa government transaction, hindi na siya tatagal sa pwesto dahil agad siyang magbibitiw.


Iginiit ni Pangulong Duterte na kahit pahiwatig lamang ng korupsyon, agad niyang sisibakin ang madadawit na opisyal.

Facebook Comments