Manila, Philippines – Tinyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa na ang pamahalaan sa pagsisimula ng rehabilitasyon ng Marawi City upang maibalik na sa normal ng buhay ng mga nakatira doon dahil sa nagpapatuloy bakbakan sa pagitan ng Gobyerno at ng teroristang Maute group.
Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa selebrasyon ng Eid’l Fitr sa Malacanang ay sinabi nito na mayroon nang mga kongkretong plano ang pamahalaan para sa muling pagbangon ng Mindanao na siya namang pagtutulungan ng ibat-ibang sangay ng pamahalaan.
Inihayag ng Pangulo na nakapaglaan na ang pamahalaan ng 20 bilyong piso para sa rehabilitasyon at kung kakailanganin pa ng pondo ay madaragdagan pa aniya ito.
Magkakaroon aniya ng pangmatagalang suporta sa lungsod sa tulong narin ng pribadong sector at ng international community.
Ilan lang aniya sa tulong na ibibigay ng Pamahalaan ay ang edukasyon para sa kabataan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng lungsod dahil sa magaling na pamumuno ng mga susunod na henerasyon.
Pangulong Duterte, handang magdagdag ng pondo sa 20 bilyong piso na inilaan sa Marawi City
Facebook Comments