Pangulong Duterte, handang maglabas ng kautusan na nagtatanggal sa mga hadlang sa pagbili ng mga bakuna ng LGUs

Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na mag-isyu ng Executive Order para mabigyan ng exception ang mga nasa Local Government Unit (LGU) sa pagsunod sa procurement law.

Sa harap na rin ito ng hirit ng mga local government na humihiling ng Executive Order dahil sa 20 percent down payment requirement ng pharmaceutical firms sa pagbili ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, walang problema sa Pangulo kung maglabas man ito ng Executive Order na kung sakali mang labag sa batas ay handa itong magpakulong.


Gayunpaman, mayroon nang ginagawang hakbang ang Kongreso para sa exception ng mga kinauukulan sa Government Procurement Act.

Ito’y para makabili na ang mga lokal na pamahalaan ng kailangan nilang bakuna para sa kanilang mga nasasakupan.

Facebook Comments