Pangulong Duterte, handang magpahuli sa mga matuturukan ng COVID-19 vaccine

Handang magpahuli si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga makatatanggap ng bakuna laban sa COVID-19.

Taliwas ito sa nauna niyang pahayag na magboboluntaryo siyang mauna sa mga matuturukan ng bakuna.

Sa kaniyang Talk to the Nation Address, mas pauunahin niya ang mga frontline workers, mahihirap at mga unipormadong tauhan ng gobyerno na mabakunahan.


Pangako rin ng Pangulo na ang lahat ng mga Pilipino ay mababakunahan pero magpapatupad ang gobyerno ng geographical at sectoral strategy sa immunization program.

Ang unang isasalang sa vaccination program ay mga frontline health workers para mapangalagaan at maprotektahan ang healthcare system ng bansa, sunod ang vulnerable sectors, frontliners, essential public at private workers kabilang ang mga OFW at low income earners.

Iginiit ng Pangulo na walang diskriminasyon sa distribusyon ng bakuna.

Facebook Comments