Pangulong Duterte, handang makinig sa mga hinaing ng lahat ng sektor

Manila, Philippines – Welcome sa Palasyo ng Malacañang ang anomang grupo na gustong makipag-usap kay Pangulong Rodrigo Duterte para iparating ang kanilang hinaing o pangangailangan.

Ito ang sinabi ng Palasyo sa harap narin ng mga kilos protesta na isinagawa ng ibat-ibang grupo sa buong bansa noong nakalipas na linggo kasabay narin ng anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law at pagdedeklara ni Pangulong Duterte ng National Day of Protest.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, bukas naman ang pinto ng Palasyo at bilang pinuno ng bansa ay bukas din si Pangulong Duterte para sa isang constructive dialogue sa ibat-ibang sektor lalo na ang mga taga-oposisyon.


Matatandaan na sinabi ni Senator Panfilo Lacson na hindi sapat na maihayag lang ng mga mgrupo ang kanilang hinaing kundi kailangang aksyonan din ito ng pamahalaan.

Bukod sa mga anti-administration ay nagsagawa din ng programa ang nga pro-Duterte group na dinaluhan din ng ilang Gabinete ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments