Handang makinig si Pangulong Rodrigo Duterte sa Rekomendasyon ng Department of Health (DOH) at iba pang Medical Experts sa panukalang buhayin ang Dengvaxia program sa bansa.
Ito ay kasabay ng tumataas na kaso ng Dengue sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nais ng pangulo sa mga Health Authority na pag-aaral ang posibleng paggamit ng Anti-Dengue Vaccine at hintayin ang resulta ng review nito bago siya maglabas ng desisyon.
Dapat ding ikunsidera ang opinyon ng World Health Organization hinggil dito.
Sa ngayon, pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) ang posibleng paggamit ng Dengvaxia.
Facebook Comments