Pangulong Duterte, handang pag-usapan ang isyu ng West Philippine Sea kasama ang China

Nakahanda si Pangulong Rodrigo Duterte na pag-usapan ang isyu ng West Philippine Sea kasama ang China.

Ito ay sa kabila ng panibagong insidente ng close distance maneuvering ng barko ng China sa ating BRP Malabrigo noong nakaraang buwan habang nagpapatrolya sa Panatag Shoal na sakop ng ating Exclusive Economic Zone.

Sa talumpati ng Pangulo kahapon sa pagpapasinaya sa Binondo-Intramuros Bridge Project sa lungsod ng Maynila, sinabi nito kay Chinese Ambassador Huang Xilian na hindi magkaaway ang dalawang bansa.


Inihayag din ng Pangulo na maaari namang mapag-usapan ang isyu ng teritoryo kagaya ng sa Spratly’s Islands at ang karapatan ng ating mga mangingisda.

Matapos ang insidente, iginiit ng Chinese Foreign Ministry na sakop ng kanilang bansa ang panatag shoal at nanawagan din ito sa Pilipinas na huwag manghimasok sa kanilang ginagawang pagpapatrolya.

Facebook Comments