Pangulong Duterte, hands off sa impeachment case laban kay VP Robredo

Manila, Philippines – Nilinaw ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na walang kinalaman si Pangulong Rodrigo Duterte sa plano ng mga kaalyadong kongresista na ituloy ang impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo.
 
Ito naman ah sa kabila ng pahayag ng Pangulo na wag nang ituloy ang impeachment sa pangalawang Pangulo dahil magkakagulo lamang ang bansa at maaga pa para ito ay mapatalsik.
 
Ayon kay Panelo, nasa kamay na ng mga kongresista kung ano ang gagawin ng mga ito dahil hindi naman kontrolado ng pangulo ang kamara dahil ito ay isang bukod at kapantay na sangay ng gobyerno sa ehekutibo.
 
Binigyang diin pa ni Panelo na masyadong abala ang Pangulo sa pagpapatakbo ng gobyerno kaya hindi na ito makikialam sa mga mambabatas.


Facebook Comments