Hihintayin na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang approval ng Emergency Use Authorization (EUA) ng China state-owned Sinopharm COVID-19 vaccine.
Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, kapag may EUA na ang Sinopharm ay bago pa lamang magpapabakuna si Pang. Duterte.
Kahapon, matatandaang inanunsyo ni Roque na nag-apply na ng EUA ang Sinopharm sa FDA.
Sa pamamagitan aniya nito ay hindi na kailangan pang pag-aralan ng Legal Department ng Palasyo kung maari bang magamit sa Pangulo ang compassionate use license na una nang iginawad ng FDA sa Sinopharm.
Noong Oktubre, maaalalang itinurok sa ilang kawani ng Presidential Security Group ang Sinopharm.
Inamin din kamakailan ng kolumnista at special envoy to China na si Mon Tulfo na nagpabakuna na sya ng Sinopharm kasama ang iba pang opisyal ng pamahalaan.