Pangulong Duterte, hiling sa Japan na magtagumpay sa pagho-host ng Olympics

Ipinapaabot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang hiling sa Japan na magtagumpay sa pagsasagawa ng Tokyo Olympics ngayong buwan.

Ayon sa Pangulo, ang Olympics ay hindi lamang nagpapakita ng pagkakaisa ng daigdig kundi katatagan sa bawat hamon.

“We wish Japan success in mounting the Tokyo Olympics and Paralympic Games,” sabi ni Pangulong Duterte sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Retreat.


“Delayed by a year, Tokyo 2020 has now become a symbol of global unity and a testament to humanity’s boundless capacity to overcome odds,” dagdag pa ng Pangulo.

Nasa 15,000 atleta, kasama ang libu-lubong coaches at staff at media ang inaasahang dadalo sa event.

Ang Pilipinas ay magpapadala ng 19-member contingent para makamit ang inaasam na gintom medalya.

Facebook Comments